Isandaan at labinglimang barangays sa Central Luzon ang lubong pa rin sa baha, ilang araw matapos lumabas sa bansa ang bagyong Nona.
Ayon sa Regional Disaster Risk Reduction and Management Council o RDRRMC, ang mga naturang barangay ay sa mga probinsya ng Aurora, Bulacan, Nueva Ecija, at Pampanga.
Batay sa datos ng RDRRMC, baha pa rin sa anim na barangays sa Aurora habang 49 na barangays naman sa Nueva Ecija kahit bahagyang maayos na ang panahon.
Ang backfloods mula sa nabanggit na dalawang lalawigan ay naka-apekto naman sa Pampanga at Bulacan.
Dahil dito, lubog sa isa hanggang pitong talampakang baha ang 46 na barangays sa mga bayan ng Arayat, Candaba, San Luis, San Simon at Macabebe, lahat sa Pampanga.
Pinakamamala ang baha sa Candaba, na nasa ilalim na ng state of calamity.
Sa Bulacan naman, kabilang sa patuloy na nakararanas ng baha ay ang San Miguel, Calumpit, Hagonoy at Pulilan.
Ayon pa sa RDRRMC, mahigit 92 thousand na pamilya ang sa 406 barangays sa Aurora, Bataan, Bulacan, Nueva Ecija, Pampanga at Tarlac ang apektado ng bagyong Nona.
Aabot naman sa dalawampu’t isang road sections sa Region 3 ang hindi pa rin passable o madaanan ng lahat ng uri ng mga sasakyan.