Lalaki, natagpuang patay sa Caloocan

Natagpuang patay at nakabitin sa likod ng pinto ng kwarto ang isang lalaki sa bahay nito sa Barangay 118, Caloocan City bandang 5:00, Huwebes ng umaga.

Kinilala ang lalaki na si Paul Lawrence Pedragosa Hiron, 28-anyos.

Ayon sa kalive-in partner nito na si Jocelyn Quirino Deguia, 29-anyos, kandado ang pinto at nangbuksan niya ito, laking gulat niya na nakabitin at nakatali ng kumot ang leeg ng kanyang kinakasama at wala ng buhay.

Wala naman aniyang nakitang palatandaan na posible magpakamatay si Hiron.

Ani Seguia, wala rin silang malaking problema at pinag-awayan na posibleng maging dahilan para magpakamatay ito.

Dinala ng Caloocan City Police SOCO ang bangkay sa Eusebio Funeral Hopital para sa isasagawang autopsy.

Read more...