Mag-lola, sugatan sa sunog sa Caloocan

Sugatan ang isang lola at Grade 7 student sa sunog sa Caloocan City, Huwebes ng umaga.

Nakilala ang mga biktima na sina Elsie Tabligan Amurao, 64-anyos; at Eyad Tabligan Amurao, 11-anyos na Grade 7 student.

Napag-alamang dahil sa electrical faulty wiring ang sanhi ng sunog na nagmula sa bahay ni Elsie sa Barangay 180 bandang 8:00 ng umaga.

Bandang 8:50 ng umaga naman, idineklarang fire under control at tuluyang naapula bandang 9:10 ng umaga.

Base sa imbestigasyon ng Caloocan Fire Department, umabot ng P500,000 ang kabuuang halag ng pinsala.

Maswerte namang walang nasawi sa nasabing sunog.

Read more...