Speakership race sa pagitan nina Velasco, Romualdez espekulasyon lang – Palasyo

Pinabulaanan ng Palasyo ng Malakanyang na tanging sina Congressman Lord Allan Velasco at Martin Romualdez na lamang ang naglalaban para sa pagka-Speaker sa 18th Congress.

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, espekulasyon lamang ang naturang ulat.

Giit ni Panelo, base sa kanyang pakikipag-usap kay Cong. Pantaleon Alvarez, lumalaban pa siya sa Speakership race.

Bukod kina Velasco, Alvarez at Romualdez, lumulutang din ang pangalan ni incoming Congressman Alan Peter Cayetano.

Una rito, sinabi ni Pangulong Duterte na hindi na siya makikisawsaw sa pagpili ng Speaker dahil pawang mga kaibigan at kaalyado niya ang mga kandidato.

Ayaw na rin ng pangulo na makasakit ng damdaman sa mga mambabatas.

Komportable naman ang pangulo na magtrabho kahit na sino pa ang maging Speaker basta’t siguraduhin lamang na isang Filipino.

Read more...