Metro Manila at ilang lugar sa Luzon, patuloy na uulanin ngayong araw (June 27)

Photo grab from PAGASA-DOST’s Twitter account

Patuloy na uulanin ang Metro Manila at ilang lalawigan sa Luzon, araw ng Huwebes (June 27).

Base sa rainfall advisory no. 2 ng PAGASA, ito ay bunsod pa rin ng umiiral na southwest monsoon o hanging habagat.

Dahil dito, makararanas ng mahina hanggang katamtamang pag-ulan ang Bulacan, Pampanga at Rizal.

Asahan din ang kaparehong sama ng panahon sa bahagi ng Metro Manila, Zambales, Bataan, Cavite, Batangas at Northern Quezon.

Nag-abiso ang weather bureau sa publiko at Disaster Risk Reduction and Management Office na tutukan ang kondisyon ng panahon.

Antabayanan ang susunod na abiso ng PAGASA bandang 8:00 ng gabi.

Read more...