Inanunsyo ni Transportation Secretary Arthur Tugade na magiging libre na ang pamasahe ng mga estudyante sa ilang transportasyon sa ilalim ng DOTr.
Ito ay ipatutupad mula Lunes hanggang Biyernes maliban na lamang kung holiday at magsisimula ito sa July 1.
Wala ng babayaran ang mga mag-aaral sa mga linya ng:
– MRT-3 mula 5:00 hanggang 6:30 ng umaga at 3:00 hanggang 4:30 ng hapon.
– LRT-2 mula 4:30 hanggang 6:00 ng umaga at 3:00 hanggang 5:00 ng hapon.
– Sa, PNR mula 5:00 hanggang 6:00 ng umaga at 3:00 hanggang 4:00 ng hapon.
Bukod dito, libre na rin para sa mga estudyante ang terminal fee sa mga paliparan na sakop ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) at mga pantalan na pinangangasiwaan ng Philippine Ports Authority (PPA).
Ayon kay Tugade, kinakailangang magpareshistro ng mga mag-aaral para sa isang special ID upang mapakinabangan ang libreng sakay.
Layon aniya nitong makapaghulma ng kultura sa mga estudyante na pumasok nang maaga at umuwi nang maaga.