Ex-DFA Sec. Albert del Rosario, pinapaghain na ng impeachment complaint vs Pangulong Duterte

Hinamon ng Palasyo ng Malakanyang si dating Foreign Affairs Secretary Albert del Rosario na maghain na ng impeachment complaint laban kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Presidential spokesman Salvador Panelo, ito ay kung sa paniwala ni del Rosario na maaring ma-impeach ang pangulo dahil sa constitutional violation sa pagpayag na mangisda ang China sa exclusive economic zone (EEZ) ng Pilipinas sa West Philippine Sea.

Ayon kay Panelo, hindi takot ang pangulo sa impeachment, makulong o mamatay.

Hindi aniya maaaring pigilan ang pangulo na protektahan at pangalagaan ang kapakanan ng mga Filipino at bayan.

Hindi aniya impeachable offense ang ginagawa ng pangulo dahil ayaw lang niya na mapahamak ang Pilipinas kapag giniyera ng China.

 

Read more...