Ayon kay 1-SAGIP Party-list Rep. Rodante Marcoleta, hindi totoo ang balitang nagkakawatak-watak na sila sa coalition.
Ito ay matapos na lumagda si Romero sa isang manifesto of support sa pagnanais ni Marinduque Rep. Lord Allan Velasco na maging Speaker ng Kamara sa 18th Congress kahit hindi nakonsulta ukol dito ang ilang miyembro ng Party-list Coalition.
Pero iginiit ni Marcoleta na hindi naman nagbago ang kanilang pagturing kay Romero at nananatili pa rin daw ang kanilang suporta para sa kanilang presidente.
Sa emergency meeting ng koalisyon kagabi humingi ng paumanhin si Romero sa mga miyembro ng Party-list Coalition na pumalag sa paglagda nito sa naturang manifesto.
Samantala, muling magpupulong naman sa Hulyo 2 ang Party-list Coalition upang mapagpilian na kung sino ang kanilang susuportahan sa speakership race.