Ayon kay Robredo, inaasahan na niya kung ano ang magiging reaksyon ng mga opisyal ng administrasyong Duterte kapag sila ay nakatatanggap ng kritisismo dahil sa kanilang aksiyon.
Una nang tinawag ni Locsin si Robredo na “bobo” dahil sa kanyang naging reaksyon sa pagharang kay dating Foreign affairs Secretary Albert del Rosario sa airport sa Hongkong at pagpapadeport sa Pilipinas sa kabila nang hawak niyang diplomatic passport.
Giit ng bise-Presidente, hindi na siya magre-react sa maaanghang na salita ni Locsin, pero ipinunto niya na sa ilalim ng Philippine Passport Law, wala sa diskresyo ng sinumang opisyal ng gobyerno ang magkansela ng pasaporte.
Sabi ni Robredo, pag-usapang bastusan ay hindi siya papatol dahil wala iyon magandang kahihinatnan.