Inihain ang divorce sa pamamagitan ng abogado ni Joong Ki na si Park Jae Hyun sa Seoul Family Court noong Miyerkules (June 26).
Base sa official statement ni Joong Ki, humihingi siya ng paumanhin sa kanyang mga fans at umaasa siya sa amicable divorce.
Hindi naman binanggit ng aktor ang dahilan ng kanilang paghihiwalay.
“I have begun the process of filing for divorce from Song Hye Kyo. Rather than denouncing one another and arguing over who is to blame, I hope that the divorce process can be wrapped up amicably,” ayon sa official statement ni Joong Ki
Ikinasal sina Song Joong Ki at Song Hye Kyo noong taong 2017 at sa loob ng halos dalawang taon nilang pagsasama ay hindi sila nagkaroon ng anak.
Matapos ang kanilang kasal ay pinag-usapan at sumikat ang hashtag #SongSongCouple sa Twitter sa Philippines at sa buong mundo.
Matatandaang bumida ang dalawa sa hit Korean drama na “Descendants of the Sun” na ipinalabas noong 2016.