M3.3 na lindol naitala sa Surigao del Norte

Niyanig ng magnitude 3.3 na lindol ang bahagi ng Surigao del Norte alas-12:51 ng Huwebes ng madaling-araw.

Ayon sa Phivolcs, ang episentro ng lindol ay sa layong 33 kilometro Hilagang-Silangan ng bayan ng General Luna.

May lalim ang pagyanig na 16 na kilometro at tectonic ang pinagmulan.

Hindi naman nagdulot ng pinsala sa mga ari-arian ang lindol at wala ring inaasahang aftershocks.

 

Read more...