Matteo Guidicelli sumailalim sa matinding military training

Hindi eksena sa pelikula pero seryosong ginampanan ng aktor na si Matteo Guidicelli ang mga requirements sa kanyang military training.

Sumabak si Matteo sa matinding physical training sa ranger camp sa Camp Tecson sa San Miguel, Bulacan.

Ang binata ay 2Lt. reservist sa Philippine Army.

Sa Facebook page na We Support AFP makikita ang ilang larawan ni Matteo na kinunan sa gitna ng training nito.

Ayon sa grupo, ginawa ng aktor ang lahat ng mga aktibidad at challenge sa serye ng physical obstacles na may oras.

Layon ng training na masuri ang bilis, lakas at liksi ni Matteo.

“Challenge accepted” nga ang ipinamalas ni Matteo sa naturang training.

Nagsimula ang training ng binata sa ranger camp noong May 27 na matatapos sa Lunes July 1.

Una rito ay sumali rin ang aktor sa Philippine Coast Guard Auxiliary noong Marso.

 

 

 

Read more...