Sa talumpati ni Pangulong Rodrigo Duterte sa 122nd anniversary ng Presidential Security Group (PSG), sinabi nito na wala nang karapatan si Del Rosario na gumamit ng diplomatic passport dahil hindi na siya empleyado ng gobyerno.
Hinarang ng mga otoridad sa Hong Kong si Del Rosario kamakailan.
Una rito sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na hindi official mission ang pagtungo ni Del Rosario sa Hong Kong kaya may karapatan silang harangin ang dating opisyal.
Ang pagharang kay Del Rosario ay kasunod ng parehong pangyayari kay dating Ombudsman Conchita Carpio-Morales sa paliparan din sa Hong Kong.
Matatandaan na kinasuhan nina Del Rosario at Morales si Chinese President Xi Jinping sa International Criminal Court (ICC) kaugnay ng isyu ng South China Sea.