Sa 11pm press briefing ni PAGASA weather specialist Ariel Rojas, huling namataan ang bagyo sa layong 980 kilometro Hilagang-Silangan ng Basco, Batames.
Taglay ng bagyo ang lakas ng hanging aabot sa 45 kilometro kada oras malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 60 kilometro bawat oras.
Bumilis sa 35 kilometro bawat oras ang pagkilos ng bagyo sa direksyong pa-Hilaga.
Hinihila pa rin ng bagyo ang Habagat na magdadala ng pag-ulan sa ilang bahagi ng bansa.
Bukas Huwebes, June 27, makararanas ng halos tuloy-tuloy na mahina hanggang malalakas na pag-ulan dahil sa Habagat ang mga sumusunod na lugar:
- Metro Manila
- Central Luzon, Zambales, Bataan, Pampanga at Bulacan
- CALABARZON: Cavite at western Batangas
- MIMAROPA: Mindoro provinces and Northern Palawan kasama ang Calamian at Cuyo Group of Islands
- Western Visayas: Aklan, Antique, western Capiz, western Iloilo at Guimaras
Sa June 28, Biyernes narito naman ang mga lugar na makararanas ng monsoon rains:
- Metro Manila
- Ilocos Region: Pangasinan
- Central Luzon: Zambales, Bataan, Tarlac, Pampanga at Bulacan
- CALABARZON: Cavite and western Batangas
- MIMAROPA: Mindoro provinces at Northern Palawan kasama ang Calamian at Cuyo Group of Islands
Sa June 29, Sabado:
- Metro Manila
- Ilocos Region
- Cordillera Adminstrative Region
- Central Luzon: Zambales, Bataan, Tarlac, Pampanga, Nueva Ecija at Bulacan
- CALABARZON: Cavite at western Batangas
Pinag-iingat sa mga pagbaha at pagguho ng lupa ang mga residente.
Samantala, bagama’t nasa labas na ng PAR ang Bagyong Dodong, dalawang low pressure area (LPA) ang patuloy na binabantayan ng Pagasa.
Ang isa ay nasa loob na ng PAR at huling namataan sa layong 370 kilometro Kanluran-Hilagang-Kanluran ng Coron, Palawan.
Nakapaloob sa monsoon trough ang naturang LPA at posibleng matunaw na sa loob ng 24 oras.
Ang isa pang LPA naman ay huling namataan sa layong 1,480 kilometro Silangan ng Mindanao ngunit sa ngayon ay mababa pa ang tyansa na maging bagyo.
Inaasahang papasok ng PAR ang LPA sa Sabado at sakali mang mamuo bilang bagyo ay papangalanang ‘Egay;’.