Ito ang naging tugon ni Pangulong Rodrigo Duterte sa pagkwestyun ni Supreme Court Senior Associate Justice Antonio Carpio sa kanyang polisiya na payagan ang China na makapangisda sa Exclusive Economic Zone (EEZ) ng Pilipinas sa West Philippine Sea.
Sa kanyang talumpati sa 122nd anniversary ng Presidential Security Group (PSG), sinabi ng Pangulo na wala siyang bilib kay Carpio na anya’y isang buang.
Ito aniya ang dahilan kaya hanggang diyan na lamang si Carpio.
“Alam mo Carpio istupido. That’s why hanggang dyan ka lang. Taga Davao yan. Hindi ako bilib sa buang dyan,” ani Duterte.
Maging ang mga taga oposisyon na Senador na kumukwestyon sa kanyang polisiya ay binanatan din ng Pangulo.
Paliwanag pa ng Pangulo, maaari lamang mapigilan ang China sa pangingisda sa EEZ kapag ginamitan ito ng ngipin.