6 sugatan sa pagbagsak ng crane bucket sa Ortigas

Sugatan ang anim na katao matapos bumagsak ang crane bucket sa isang construction site sa Ortigas, Pasig City.

Ayon sa ulat, limang sasakyan ang nadamay pa sa insidente.

Nahulog ang crane bucket mula sa itaas ng ginagawang gusali sa Barangay San Antonio.

Ayon sa Pasig City hotline, inireport sa kanila ang pangyayari alas 9:00 ng umaga.

Agad namang dinala ang mga nasaktan sa Rizal Medical Center.

Walang detalye kung mga construction workers o pedestrians ang mga biktima na ayon sa otoridad ay nagtamo lamang ng minor injuries.

 

Read more...