Ayon sa Pagasa, lumabas ng PAR ang Tropical Depression Dodong alas 9:30 Miyerkules ng gabi.
Nakatakdang maglabas ang Pagasa ng final severe weather bulletin alas 11:00 ng gabi.
Una rito ay bumilis ang kilos ng bagyo habang tinatahak ng direksyong Hilagang bahagi ng bansa.
Dakong hapon ay namataan ang TD Dodong sa bahagi ng Basco, Batanes.
Samantala, may minomonitor ang Pagasa na isang low pressure area (LPA) 435 kilometers sa west-northwest ng Coron, Palawan.
Nakapaloob ang LPA sa Monsoon trough o buntot ng Habagat.
Isa pang LPA sa labas ng PAR ang namataan 1,680 kilometers east ng Mindanao.
Mababa umano ang tsansa na maging bagyo ang LPA sa susunod na 24 hanggang 40 oras pero inaasahang papasok ito sa PAR sa Sabado.