“Sideswiped”
Ito ang naging pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte sa insidente sa Recto Bank na una nang napaulat na binangga ng Chinese fishing vessel ang bangka ng 22 Filipinong mangingisda.
Sa talumpati ng pangulo sa ika-122 anibersaryo ng Presidential Security Group (PSG) sa Malakanyang, sinabi nito na base sa inisyal na resulta ng imbestigasyon ng Philippine Navy at Philippine Coast Guard (PCG), nagkasundo sila na sideswiped ang insidente sa Recto Bank.
Hindi talaga aniya binunggo ang bangka ng mga Filipinong mangingisda dahil kung sinadyang binunggo ay sa ilalim sana ng bangka ang tama.
“Halos [lahat] kami ngayon agreed [na] sideswiped tapsingan pang yan. Hindi talaga binunggo. Kung binunggo nasa ilalim. Parang sasakyan, sideswipe.. yun ang tawag dyan. Ngayon, sabihin mo sinadya lets have [an] investigation,” pahayag ni Duterte.
Kung may anggulo man aniya na binangga ang bangka ng mga Filipinong manginhisda, mas makabubuting magsagawa na lamang ng imbestigasyon.
Sa ngayon, ayon sa pangulo, tinatago niya muna ang final report ng imbestigasyayon ng Pilipinas dahil gusto niya munang malaman ang resulta ng imbestigasyon ng China.
“Tinatago ang aking baraha meron na report from Customs, Navy for the final report.. Kasi gusto ko tingnan sa China. Thats I.. no reason to go to war. ‘Di pwedeng ipadala gray ships. Bakit padala on a mere maritime. Wala namang saksakan, barilan. Nadisgrasya lang iniwan. Ang sabi ni China [noong] nagkita kami sa Bangkok, bakit ginawa nila yun,” ani Duterte.