P3.4M shabu nasabat sa Quiapo, Manila

Timbog ang apat na babaeng Muslim matapos ikinasang buy-bust operation ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) bandang 2:20, Miyerkules ng hapon sa Quiapo Manila.

Nakilala ang mga suspek na sina Panongtongan Aisah, 29-anyos, may asawa at residente ng Muslim Center Quiapo Maynila; Sambolayang Anisah, 22-anyos at residente ng Las Piñas, Paranaque; Tinapaan Ackisah, 26-anyos; at Mobacaya Ambor, 27-anyos at taga-Barangay 648 Palanca Street Quiapo Maynila.

Nakuha sa mga suspek ang aabot sa kalahating kilo ng hinihinalang shabu na nakakahalaga ng P3.4 milyon.

Patuloy namang inaalam ng PDEA kung sino ang nagbigay sa mga suspek ng kontrabando at kung sangkot ba sila sa isang malaking drug syndicate.

Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Read more...