600 na kahon ng smuggled na sigarilyo, nakumpiska sa Zamboanga City

Nasabat ang nasa 600 na kahon ng ipinuslit na mga sigarilyo sa Bagong Calarian, Zamboanga City bandang 3:00, Miyerkules ng madaling araw (June 26).

Naharang ng Philippine Navy ng Western Mindanao ang isang JungKung type na barko na may lulan ng mga sigarilyong may tatak na “Bravo.”

Ang naturang barko ay patungo sana sa Zamboanga City nang maharang ng mga otoridad.

Nasa kusyodiya na ng Bureau of Customs (BOC) ang mga nakumpiskang sigarilyo.

Read more...