1 patay, 4 sugatan matapos tamaan ng kidlat sa Leyte

Nasawi ang magsasaka habang sugatan ang apat na iba pa makaraang tamaan ng kidlat sa San Miguel, Leyte Miyerkules ng umaga.

Ayon sa pulisya, direktang tinamaan ang biktimang si Rexie Siquijod, 35-anyos at residente ng Sitio Malipuron sa Barangay Guinciaman.

Naitakbo pa si Siquijod sa Rural Health Unit ng bayan ng San Miguel ngunit idineklara ring dead-on-arrival.

Samantala, sugatan naman ang mga kapwa-magsasaka ni Siquijod na sina Erlinda Solayao, Vima Antoni, Marilyn Erandilo at Zaldy Antoni.

Dinala ang mga sugatan sa Eastern Visayas Regional Medical Center sa Tacloban, Leyte.

Read more...