Isang kilo ng cocaine, natagpuan sa Camarines Sur

Natagpuan ang isang package ng cocaine na may bigat na isang kilo sa San Jose, Camarines Sur Martes ng hapon.

Sa inilabas na ulat ng Bicol Police Regional Office, araw ng Miyerkules, nadiskubre ni Barangay Chairman Marcelino Paa Jr. ang cocaine sa Barangay Boclod bandang 2:00 ng hapon.

Dinala ni Paa ang kontrabando sa San Jose Municipal Police Station.

Kinumpima naman ng provincial Crime Laboratory na ang kontrabando ay cocaine.

Read more...