Nagpaalala ang North Luzon Expressway (NLEx) sa mga motorista dahil sa inaasahang mabigat na daloy ng trapiko sa araw ng Huwebes (June 27).
Sa abiso ng NLEx Corporation, ito ay dahil sa isasagawang rehabilitasyon sa Bocaue River Bridge.
Isasara ang dalawang middle southbound lanes sa 300-meter approach ng Bocaue exit para sa rehabilitasyon.
Unang aayusin ang 100-metrong bahagi ng tulay na isasalalim sa deck slab replacement at girder strengthening.
Ayon kay NLEx Corporation press relation officer Micah Aquino, magtatalaga naman ng counterflow lanes sa northbound lane tuwing rush hour o sa oras na kinakailangan.
Inaasahang matatapos ang pagsasaayos sa nasabing bahagi ng tulay sa kalagitnaan ng Hulyo habang ang buong rehabilitasyon sa tulay ay sa pagtatapos ng Setyembre.