Ayon kina Anakalusugan Partylist Rep. Mike Defensor at TUCP Partylist Rep. Raymond Mendoza, ang paglagda ni Romero sa manifesto of support kay Velasco ay unfair na palabasin ni Romero na ang buong PCFI ang sumusuporta sa Speakership bid ni Velasco.
Sinabi ni Mendoza na ngayon lamang nangyari ang ganito na nagsasalita ang tumatayong pangulo ng bloc at nagdedesisyon nang walang pagkunsulta sa kanila.
Dahil dito, nangangamba si Defensor na ito na ang simula ng pagbagsak ng koalisyon lalo’t ang nais sana nila ay magkaisa sa bloc voting para sa Speakership.
Aminado naman si Defensor na dahil sa pagkadismaya ng karamihan sa mga miyembro sa unfair at illegal act ni Romero ay maaari itong mapalitan bilang presidente ng PCFI.
Miyerkules ng gabi ay magkakaroon ng emergency meeting ang koalisyon para pag-usapan ang nangyaring paglagda sa manifesto.