PDP-Laban, hati ang suporta kay Rep. Velasco sa pagka-Speaker

Hati ang PDP-Laban sa susuportahan sa pagka-Speaker sa 18th Congress.

Ito ay sa kabila ng anunsyo ni PDP-Laban campaign manager Sen. Manny Pacquiao na si Marinduque Rep. Lord Allan Velasco na ang kanilang napili upang maging pambato sa speakership.

Ayon kay Albay Rep. Joey Salceda na present sa multi-party caucus na pinangunahan ni Leyte Representative-elect Martin Romualdez, nasa 40 silang miyembro ng PDP-Laban na sumusuporta sa speakership bid ni Romualdez.

Hinamon din ni Salceda ang PDP-Laban sa Kamara na magbotohan para magkaalaman na at mapatunayan ang stand ng buong partido.

Aminado rin si Salceda na walang naging consultation sa mga miyembro ng PDP-Laban sa ginawang pag-endorso kay Velasco.

Pumalag din ito sa sinasabing bibigyan ng sanction ang mga miyembrong hindi susunod sa kagustuhan ng partido.

Dahil sa pagiging hati ng PDP-Laban, ang tanging makakabasag ng pagkakahati ng partido ay kung sino ang susuportahan ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Mahalagang makumbinsi ng mga Speaker aspirant ang presidente kung sino sa kanila ang epektibo, efficient at makakaambag sa pagsusulong ng agenda ng pangulo sa susunod na Kongreso.

Present din sa caucus ang presidente ng National Unity Party na si Majority Leader Fred Castro.

Read more...