Sangley Airport, hindi nag-iisang solusyon sa pagpapaluwag ng air traffic – Tugade

Inihayag ni Transportation Secretary Arthur Tugade na hindi solong solusyon ang Sangley Airport sa pagsasayos ng trapiko sa himpapawid sa bansa.

Ayon kay Tugade, maraming dapat gawin upang mapagbuti ang air traffic kabilang na ang pagsasaayos sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA), Clark International Airport (CIA) at iba pang paliparan.

Bukod dito, makatutulong din aniya ang paglalagay ng direct flights at ang isinasagawang proyekto ng Bureau of Immigration (BI).

Samantala, iginiit naman ng kalihim na matagal na nilang inumpisahan ang paggawa sa Sangley Airport.

Tuloy din aniya ang 24/7 operasyon sa konstruksyon sa paliparan.

Aniya, nauna nang natapos ang runway habang nasa 70 hanggang 80 porsyento nang tapos ang drainage, 40 porsyento sa passenger terminal at 30 porsyento sa hangar.

Dagdag pa ni Tugade, hindi pa rin umano masasabi kung gaano kalaki ang maitutulong ng nasabing airport sa trapiko dahil hindi pa naman ito nagagamit.

Read more...