LOOK: Ika-10 kaarawan ni Kendra Kramer

Naging simple ang selebrasyon ng ika-10 kaarawan ni Kendra Kramer.

Sa Instagram, nag-post si Chesca Garcia ng larawan kasama ang chocolate cake para sa anak.

Sa caption ng larawan, binati ni Chesca at ipinarating ang lubos na pagmamahal sa kanilang panganay ni Doug Kramer.

Kasama rin sa larawan si Doug at mga kapatid na sina Scarlett at Gavin.

Matatandaang kalilipat lamang ng pamilya Kramer sa kanilang bagong bahay matapos ang dalawang taong konstruksyon nito. / Angellic Jordan

 

Read more...