Inihayag ni Vice President Leni Robredo na hindi niya kayang kontrolin ang pananaw ng ibang tao tulad ng naging malamyang reaksyon ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Recto Bank incident at pagpayag na mangisda ang China sa exclusive economic zone ng Pilipinas.
Ayon kay Robredo, aasikasuhin na lamang niya ang maaari niyang gawin.
Halimbawa aniya ang pagpapahayag ng mga puna para tutulan ang ilang mga polisiya.
Gayunman, sinabi ng bise presidente na iniiwasan din niya ang pagpuna dahil walang magandang dulot sa lahat.
Giit pa nito, ipapahayag lamang niya ang kaniyang pananaw sa mga aniya’y maling ginagawa ng administrasyon.
Matatandaang hinikayat ni Robredo ang gobyerno na itulak ang mga kaso laban sa mga responsable sa pagbangga sa bangkang pangisda ng mga Pinoy sa Recto Bank. / Angellic Jordan