2 tulak ng droga, arestado sa buy-bust operation sa Legazpi City, Albay

Timbog ang dalawang hinihinalang drug pusher sa ikinasang buy-bust operation sa Legazpi City, Albay Miyerkules ng umaga.

Ayon kay Christian Frivaldo, acting director ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Bicol, inaresto ang suspek na si Agnes Ingles at live-in partner na si Ruben Mirabel sa bahagi ng Barangay Dinagaan bandang 5:15 ng umaga.

Ani Frivaldo, sina Ingles at Mirabel ay ikinukunsidera bilang ‘high-value targets’ ng PDEA.

Nakuha sa mga suspek ang 11 maliliit na pakete na naglalaman ng hinihinalang shabu.

Nagkakahalaga ang mga kontrabando ng P68,000. / Angellic Jordan

 

Read more...