Sa unang paghingi ng komento ni Sotto, sinabi ng acting chairman ng partido na hindi pa siya maaring magkomento sa magiging relasyon ng dalawang Kapulungan ng Kongreso hanggang hindi pa opisyal ang lahat.
Sinabi pa nito na hindi pa rin nakakapagdesisyon ang kanilang partido at wala pa silang opisyal na pahayag kung sino ang kanilang susuportahan.
Ngunit nang makita ni Sotto ang multi-party manifesto of support para kay Velasco, sinabi nito na hindi pa dapat isinasapubliko ang kanilang posisyon dahil nagsasagawa pa lang sila ng konsultasyon.
Makikita sa manifesto ang pagpirma nina Rizal Rep. Michael John Duavit at Valenzuela Rep. Wes Gatchalian, kapwa miyembro ng NPC.
Itinuro na lang din ni Sotto si Batangas Rep. Dong Mendoza, ang secretary general ng kanilang partido, para sa karagdagang pahayag hinggil sa naturang manipesto.