Hindi man masasabing talagang ‘user friendly,’ ikinalugod na rin ni Senator Sherwin Gatchalian ang inilabas na implementing rules and regulation o IIR ng National Telecommunications Commission (NTC) para sa Republic Act 11202 o ang Mobile Number Portability Act.
Base sa IRR, ayon kay Gatchalian, naging malinaw naman sa IRR ang mga pre-requisites for porting, ang terms of the time periods for cutover maging ang porting process.
Pinuna lang ng senador ang ilang maaring kulang o mali sa IRR tulad ng mga dahilan para sa pagbasura sa aplikasyon para sa mobile portability number.
Katuwiran nito, maari sana itong pagbasehan ng subscribers sa pagrereklamo sa mga telcos sa mga serbisyo ng mga networks.
Kabilang si Gatchalian sa masigasig na nagsulong sa Senado ng panukalang batas na layon mapanatili ng mga subscriber ang kanilang mobile phone numbers kahit mag-subscribe pa sila sa ibang networks.
Nakasaad din sa batas na hindi na sisingilin ang subscriber para sa kanyang ‘other network calls and texts.