Halos 100% ng Manila Water customers may suplay ng tubig sa loob ng hindi bababa sa 8-oras

Sa kabila ng nararanasang kakapusan sa suplay ng tubig sinabi ng Manila Water na mahigit 99 percent ng kanilang costumers ang nabibigyan ng hindi bababa sa 8 oras na suplay ng tubig kada araw.

Ayon sa Manila Water 99.85 percent ng kanilang costumers ang may tubig nang 8 oras o higit pa sa unang palapag ng bahay.

Nangangahulugan ito na walang nakararanas ng 24 na oras na no water supply.

Sa abiso ng Manila Water, kung mayroong customers na nakararanas ng mas maiksi pang water service kay sa 8 oras kada araw ay maari itong ipagbigay-alam sa kumpanya.

Ito ay upang agad na matugunan.

Read more...