Pilipinas payag bigyan ng kaunting pribilehiyo ang China sa pangingisda sa West PH Sea

Magbigay tayo ng kaunti.

Ito ang naging katwiran ng Malakanyang sa pagpayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na makapangisda ang China sa exclusive economic zone ng Pilipinas sa West Philippine Sea sa kabila ng tumitinding maritime tension sa pagitan ng Pilipinas at China.

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, bukod sa pagiging magkaibigan, may natatanggap naman na economic benefits ang Pilipinas mula sa China.

Marami aniyang negosasyon at pakinabang ang Pilipinas sa China dahilan para umunlad ang ekonomiya ng bansa.

Iginiit pa ni Panelo na nakasaad din sa United Nations Convention for the Law of the Sea (UNCLOS) na maaring makapangisda ang ibang bansa sa lugar.

“Kasi magkakaibigan tayo. Base sa pagiging magkaibigan natin, marami tayong trade relations, marami tayong negosasyon sa gobyerno ng Tsina upang paunlarin ang ating bansa. Kumbaga mayroon tayong pakinabang sa kanila, sa punto ni Presidente e magbigay din tayo ng konti sa kanila,” ayon kay Panelo.

Matatandaang nabalot ng kontrobersiya ang pgkakaibigan ng dalawang bansa nang banggain ng Chinese fishing vessel ang bangka ng 22 mangingisda sa Recto Bank.

Read more...