Panibagong sama ng panahon sa labas ng bansa binabantayan ng PAGASA

Radyo Inquirer Photo/Jong Manlapaz
Isang panibagong sama ng panahon ang binabantayan ng PAGASA sa labas ng bansa.

Ayon sa PAGASA, ang cloud clusters ay huling namataan sa 2,000 kilometers east ng Mindanao.

Gaya ng bagyong Dodong, ang naturang cloud clusters ay maaring mabuo bilang Low Pressure Area (LPA).

Inaasahang sa weekend ay papasok na ito sa loob ng bansa.

Sa ngayon masyado pang malayo ang lokasyon ng sama ng panahon para matukoy kung ito ay magiging isa ring ganap na bagyo.

Pero kung magiging ganap na bagyo habang nasa loob ng bansa ay tatawagin itong “Egay” at magiging panglimang bagyo ngayong taon.

Read more...