Bagyong Dodong bahagyang bumilis, nasa silangang bahagi ng Basco, Batanes

Bahagyang bumilis ang kilos ng bagyong Dodong na huling namataan ng PAGASA sa
710 kilometes East ng Basco Batanes.

Ayon kay PAGASA weather specialist Benny Estareja, taglay ng bagyong Dodong ang 45 kilometers bawat oras malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 60 kilometers bawat oras.

Kumikilos ang bagyo sa bilis na 15 kilometers bawat oras sa direksyong Northeast.

Ayon sa PAGASA, dahil palabas na ng bansa ay hindi na magtataas ng tropical cyclone warning ang PAGASA bunsod ng bagyong Dodong.

Pero sinabi ni Estareja na dapat pagtuunan ng pansin ang mararanasang mga pag-ulan nang dahil sa Habagat.

Narito ang mga partikular na lugar na makararanas ng malakas na buhos ng ulan dahil sa Habagat.

MIYERKULES (JUNE 26)
Burias Island
MIMAROPA
Western Visayas

HUWEBES (JUNE 27)
Zambales
Bataan
Pampanga
Bulacan
Occidental Midnoro
Aklan
Antique
Metro Manila

BIYERNES HANGGANG LINGGO (JUNE 28 TO 30)
Ilocos Region
Zambales
Bataan
Cavite
Batangas
Occidental Mindoro
Metro Manila
Northern Palawan

Read more...