Mula sa dating araw ng Miyerkules, napagkasunduan na gawin itong Biyernes.
Ayon kay Liza Diño, Chairperson ng Film Development Council of the Philippines (FDCP), layon nitong matulungan ang mga film producers lokal man o dayuhan na makikinabang sa mas maraming bilang ng manonood tuwing weekend.
Ang nasabing hakbang ay kasunod na rin ng pakikipag-pulong ng FDCP sa mga theater owners at iba pang stakeholders.
Magkakaloob din ng discounts sa mga estudyante para mahikayat ang marami na manood ng sine.
Dagdag pa ni Diño, maiiwasan din ang first day last day ng pelikulang hindi kumikita na kadalasang pinu-pull-out na sa mga sinehan pagpasok ng weekend.
Nakasaad din sa memorandum circular ang pitong araw na minimum run-length sa bawat pelikula at theater assignment sa unang tatlong araw para maiwasan na alisin ang pelikula sa mga sinehan.
Bukod dito, nagtakda ng student price na P200 sa mga estudyante sa Metro Manila na nasa idad na 18 years and below at P150 sa probinsya.
Ang bagong guidelines ay magiging epektibo sa Hulyo o 15 days matapos itong mailathala sa mga pahayagan.