Mexico nagtalaga ng 15,000 dagdag na sundalo sa kanilang border sa US

AP Photo
Dagdag na 15,000 tropa ng mga sundalo ang itinalaga ng Mexico sa kanilang border sa US.

Ayon kay Mexican Secretary of Defense Luis Sandoval, pawang mga national guard ang 15,000 karagdagang pwersa.

Bago ito ay mayroon nang naunang 4,500 na sundalo mula sa Mexico na nakatalaga sa border.

Ginawa ang pagdaragdag ng pwersa ng Mexico matapos ang utos ni US President Donald Trump na paigtingin pa ang pagbabantay sa mga illegal migrants na tumatawid ng border.

Read more...