1 patay, 7 sugatan sa pamamaril sa Caloocan

Isa ang nasawi habang sugatan ang pitong iba pa makaraan silang pagbabarilin ng dalawang hindi pa nakilalang suspek sa Caloocan City.

Naganap ang insidente bago mag-alas 7:00 ng gabi Martes (June 25) sa Barangay 176.

Kinilala ang nasawi na si Adrian Ramirez, 25 anyos na namamasada ng tricycle sa lugar.

Sinabi ni Police Col. Noel Flores, hepe ng Caloocan City police, ang pitong nasugatan ay nagpapagaling nasa ospital.

Patuloy pa ang imbestigasyon sa insidente at pagtugis sa dalawang suspek.

Read more...