Sa 4AM weather bulletin ng PAGASA, ang bagyong Dodong ay huling namataan sa layong 700 kilometers east ng Calayan, Cagayan.
Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 45 kilometers bawat oras at pagbugsong aabot sa 60 kilometers bawat oras.
Kumikilos ang bagyo sa bilis na 10 kilometers bawat oras sa direksyong northeast.
Walang direktang epekto sa bansa ang bagyo at hindi rin ito inaasahang magla-landfall.
Pero dahil hinahatak nito ang Habagat, makararanas ng kalat-kalat na pag-ulan na may pagkulog at pagkidlat sa western section ng Luzon at Visayas. Partikular na uulanin ngayong araw ang Ilocos Region, Bicol Region,Calabarzon, Mimaropa, Metro Manila at kanlurang bahagi ng Visayas.
Mamayang hapon o gabi ay inaasahang lalabas na ng bansa ang bagyo at magtutungo ng southern Japan.
Pero mananatili ang epekto sa Luzon ng paghatak nito sa Habagat.