Ayon kay Locsin, sa Munich Security Conference ay inamin anya ng Beijing na mayroon lamang itong “minimal nuclear arsenal.”
Nais lamang anya ng China na mas yumaman at hindi ang mamatay ang mga mamamayan nito.
Sa una nitong tweet ay sumagot ang kalihim sa pahayag ni human rights at environmental activist Tony La Viña na malaki at makapangyarihang bansa ang China habang ang Pilipinas ay mahina ang militar at ekonomiya bagamat nasa panig ng bansa ang batas.
Sinabi pa ni La Viña na sino ba sa dalawang bansa ang mananaig kung ang China ay nagkakaisa habang ang Pilipinas ay watak watak.
Sinagot naman ito ni Locsin na maaaring masira ng US Seventh fleet ang lahat ng buhay sa Asian mainland sa unang tira lamang kaya maski anya China ay hindi mananaig.