Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, ito-tolerate na muna ng Pangulo ang China dahil sa sa friendship.
“We will allow it kasi we’re friends naman, ‘di magbigayan muna tayo – parang ganoon ang punto ni Presidente,” ani Panelo.
Paliwanag ni Panelo, may historical right kasi ang China sa lugar.
Hindi aniya maituturing na treason o pagtataksil sa bayan ang ginagawa ng Pangulo dahil nakasaad sa united convention on the law of the sea (UNCLOS) na maari namang mangisda sa lugar.
Gayunman sinabi ni panelo na tatanungin nya muna si Presidente kung national policy niya ang pagpayag na mangisda ang China sa EEZ ng bansa.