4 arestado sa buy bust sa Antipolo, Rizal

Timbog ang apat na drug suspects sa buy bust operation sa Sitio Manalite, Barangay Mayamot sa Antipolo, Rizal.

Nagkasa ng anti-drugs operations ang Antipolo Police PCP 1 target ang grupo ng mga suspek na nakilala lamang sa mga alyas na John, Jovy, Juniel at Ronald.

Isang operatiba ang nagpanggap na buyer at kumuha ng shabu na nagkakahalaga ng P500.

Matapos ang transaksyon ay inaresto na ang apat na suspek.

Bukod sa nabiling droga ay nasamsam pa sa grupo ang 62 piraso ng shabu na nagkakahalaga ng P60,000.

Nakuha rin ng mga otoridad ang digital weighing scale, lighter at buy bust money.

Nabatid na kabilang ang 4 na suspek sa drugs watchlist sa Antipolo.

 

Read more...