Pupunan ni Grisham ang pwesto ni Sarah Sanders.
Magugunitang inanunsyo ni Sanders ang kanyang pagbibitiw sa pwesto nitong unang linggo ng Hunyo.
Ayon kay Mrs. Trump, wala siyang ibang maisip na taong hihigit kay Grisham para pagsilbihan ang administrasyon at ang Estados Unidos.
Isinalarawan naman ni President Donald Trump si Grisham na ‘fantastic’ at matagal na anya itong naninilbihan para sa kanya.
Ayon sa presidente, tinanggap na ni Grisham ang pwesto.
Marami anya ang may gusto na si Grisham ang maging bagong press secretary ng White House dahil sa magandang relasyon ntio sa media.
Nagsimulang manungkulan para sa Trump family ang bagong press secretary taon pang 2015.
“A lot of people wanted the job, a lot of people wanted to do it. I’ve asked people, who do you like, and so many people said Stephanie. She’s here, she knows everyone, she actually gets along with the media very well,” ani Trump.
Samantala sa ulat ng foreign media, kasama na ni President Trump si Grisham sa kanyang pagpunta sa Japan at Korea ngayong linggo para sa G20 Summit.