M3.3 na lindol naitala sa Davao Occidental

Niyanig ng magnitude 3.3 na lindol ang bahagi ng Davao Occidental alas-11:45 Martes ng gabi.

Ayon sa Phivolcs, ang episentro ng lindol ay sa layong 32 kilometro Timog-Silangan ng bayan ng Jose Abad Santos.

May lalim ang pagyanig na 194 kilometro at tectonic ang pinagmulan nito.

Hindi naman nagdulot ng pinsala sa mga ari-arian ang lindol at wala ring inaasahang aftershoks.

 

Read more...