Duterte buo pa rin ang tiwala kay Health Secretary Francisco Duque

Nanatiling buo ang tiwala at kumpiyansa ni Pangulong Rodrigo Duterte kay Health Secretary Francisco Duque III.

Pahayag ito ng Palasyo matapos kasuhan ng plunder si Duque dahil sa conflict of interest.

Inireklamo si Duque dahil ang inuupahang gusali ng PhilHealth sa Pangasinan ay pag aari ng kanyang pamilya.

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, sa ngayon ay hinihintay pa ng Palasyo ang paliwanag ni Duque.

Mahalaga aniya na marinig muna ang paliwanag ng Kalihim.

Maari kasi aniyang nag divest na noon si Duque sa pagmamay ari ng kanyang pamilya sa mga ari-arian.

Kung sakali aniyang wala ng share si Duque sa naturang ari arian, hindi na maaring maituring na mayroong conflict of interest.

Maituturing aniyang inosente pa si Duque sa naturang isyu hangga’t hindi pa napatutunayang guilty beyond reasonable doubt.

 

Read more...