Masaya pa si Pangulong Rodrigo Duterte sa trabaho ni Agriculture Secretary Manny Piñol.
Pahayag ito ng palasyo sa gitna ng ulat na tatanggalin ni Pangulong Duterte si Piñol sa Department of Agriculture bago ang kanyang state of the nation address (Sona)sa July 22.
Lumabas rin sa mga ulat na ililipat si Piñol sa Mindanao Development Authority.
Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, sa ngayon, kuntento naman ang pangulo kay Piñol.
Wala rin aniyang pahaging si Pangulong Duterte na papalitan niya si Piñol sa DA.
Paliwanag pa ni Panelo, palagi namang binabanggit ng pangulo sa mga cabinet meeting kapag may nais na tanggalin sa puwesto.
May isang pagkakataon aniya na pinagsabihan ng pangulo si Piñol na ayusin ang kanyang trabaho pero matagal na panahon na iyon.