Bagyong Dodong inaasahang magpapaulan sa Northern Luzon

Isa nang ganap na tropical depression ang binabantayang low pressure area sa loob ng Philippine Area of Responsibility (PAR).

Sa Twitter, nag-abiso ang Pagasa weather bureau na naging tropical depression ang sama ng panahon bandang alas dos ng hapon.

Huling namataan ang sama ng panahon sa Silangang bahagi ng Aparri, Cagayan.

Naunang inanunsiyo ng Pagasa na oras na maging tropical depression, tatawagin na itong ‘Dodong.’

Sinabi naman ng weather bureau na antabayanan ang kanilang ilalabas na severe weather bulletin alert bandang alas singko ng hapon.

Read more...