Nakikipag-ugnayan na ang Local Water Utilities Administration o LWUA sa mga water district na kalapit ng Metro Manila upang mag supply ng tubig sa Kalakhang Maynila.
Sa pagdinig ng House Oversight Committee on Public Works and Highways at Natural Resources, sinabi ni LWUA Administrator Jeci Lapuz na may usapan na na nagaganap sa upang sa pagitan ng kanilang tanggapan at mga water district sa Bulacan, Cavite at Laguna.
Ang tanong na lamang anya ay kung paano ito dadalhin sa Metro Manila dahil wala namang water tanker ang ibang mga water district.
Welcome naman ang plano na ito ng LWUA sa Manila Water at Maynilad.
Sinabi ni Engr. Ferdinand Dela Cruz ng Manila Water na hahanap sila ng paraan upang ma-transport ang tubig mula sa mga kalapit na lalawigan patungo sa Kalakhang Maynila.