Mga kongresista magdodoble-kayod upang agad maipasa ang 2020 national budget

Tiniyak ni Leyte Rep-elect Martin Romualdez na kaagad maipapasa ng susunod na Kongreso ang panukalang 2020 national budget.

Ayon kay Romualdez, lahat ng kinonsultang mambabatas ay nagkasundong magdodoble-sipag sa trabaho para maaprubahan ang pambansang pondo bago mag-Nobyembre.

Ngunit para magawa ito ay kailangan aniyang maging bukas sa pakikipag-usap sa economic managers upang mas maintindihan ang mga nakapaloob sa 2020 budget.

Kamakailan lang ay nakipagpulong si Romualdez kay Finance Secretary Carlos Dominguez III para alamin kung paano palalakasin ang ugnayan ng Kongreso at economic managers.

Iginiit nito na kapag lumusot sa Kamara ang General Appropriations Bill ay mabibigyan ng sapat na panahon ang Senado na talakayin ang budget at maisusumite sa Office of the President bago ang Christmas break.

Sa sandaling matanggap ng Kamara ang National Expenditure Program ay inaasahan ni Romualdez na tatalakayin ito sa loob ng tatlumpung araw kasama na ang committee actions, pre-plenary at approval ng committee report.

Read more...