Tren ng LRT-1 biglang nag-preno, mga pasahero na nakatayo, nasaktan

Nabuwal ang mga pasahero ng Light Rail Transit – 1 makaraang biglang magpreno ang sinasakyan nilang tren sa bahagi ng Doroteo Jose Station.

Kwento ng mga pasahero, umaandar ang tren nang bigla itong nagpreno dahilan para ang mga pasaherong nakatayo ay matumba.

Sinabi ng operator ng train number 110-1-A sa pamamagitan ng sound system ay nagkakaroon umano ng technical problem ang tren pero hindi naman nito idinetalye kung ano ang technical problem na naranasan.

Umapela ang mga commuter sa pamunuaan ng LRTA na bago pumasada ang bagon ng tren dapat magkaroon ng inspeksyon, iwasan na pagsasakay ng napakaraming pasahero o siksikan upang maiwasan ang aksidente.

Read more...